Legal Question in Family Law in Philippines

magandang umaga po. ako po si norie.. hihingi po sana ako ng advice tungkol po sa child support... Dati po akong OFW at ngayon ay wala pong trabaho, nagkaroon po ako ng anak sa dati ko pong kasamahan sa barko, nagsinungaling po siya sa akin na wala po siyang pamilya, huli na po ang lahat ng malaman ko na kasal po pala siya at may tatlong anak.. Pumayag po ako na ipangalan sa kanya ang anak namin upang maobliga siyang suportahan ito, ngunit natigil po ang suporta nya dahil ang gusto nya po ay makisama po ako sa kanya, hindi ko po maatim na makasira ng pamilya, at mula ng niloko nya ako ay wala narin po akong amor sa kanya, nakikipagcommunicate na lang po ako para sa anak namin.. Ngayon po ay paalis na naman sya papuntang barko, at sinabi nya po sa akin na wala na po siyang pakiaalam pa, katunayan nung magkasakit ang aming anak, sobrang paninikis po ang ginawa nya at binigyan lamang ako ng P500. Ano po ba ang dapat kong gawin para makuha ko naman po ang tamang suporta para po sa aking anak...

Saan po ba ako dapat pumunta na law office..?

Ano ano po ang kailangan kong dalhin?

Pano po kung wala narito ang ama ng aking anak?pero alam ko po ang adress at ang opisina nila.

Ang sahod nya po ay $1,700 per month..

Marami pong salamat.

Lubos na gumagalang

Norie


Asked on 5/30/13, 5:22 pm

1 Answer from Attorneys

VOLTAIRE T. DUANO VOLTAIRE T. DUANO LAW OFFICE

Ireklamo mo siya ng administrative case sa POEA. Lumapit ka sa PAO na nakakasakop sa iyong lugar.

Read more
Answered on 6/10/13, 6:51 am


Related Questions & Answers

More Family Law, Divorce, Child Custody and Adoption questions and answers in Philippines