Legal Question in Employment Law in Philippines
Hello po, may friend ako na assistant sa recruiter na marami ng legal na accounts na nagawa. Last time, pinakiusapan sya ng magulang ng isang babae na ilakad ang papers nito. Tinry niya mag-assist sa isang agency na kayang magpalabas ng tao kahit naka-ban yung bansa. Yung babae na yun, nahuli. Ngayon, pinadalhan ng subpoena ang friend ko dated October 23, 2012 ang hearing. Pero nareceive ang subpoena May 7, 2013. Ang isa pa dun, mali yung name ng friend ko na nakalagay sa subpoena. Though sya ang nagreceive. Kailangan pa ba ng counter dito? Kasi in-assist lang din naman niya ang girl and alam nito at ng pamilya nya na hindi legal ang process na ginawa nila. Pero sila ang nag-insist. Wala siyang nakuha ni-kusing sa paglakad na yun kasi tumulong din sya. Thanks po.
1 Answer from Attorneys
Kahit pa walang nakuha na pera ang kibigan mo ang ginawa niya ay isang akto ng pagrerecruit at kung siya ay hindi otorisado ito ay matatawag na illegal recruitment. Dapat niyang harapin ang kaso.