Legal Question in Real Estate Law in Philippines
Inquire lang po regarding sa right of way. Ang case po ganito, meron ng matagal na nagtitinda sa right of way, pero ang right of way na ito ay private ibig sabihin daan lng ito ng mga taga loob ng compound at hindi lang po nagtitinda ang sumasakop dito dahil may nagbubong na harap ng bahay pati may naglagay na din ng kusina sa mismong right of way, dahil sa nagkaroon ng personal na away nagreklamo sa barangay ang isang residente at napaalis ang nagtitinda dahil na rin sa judge na taga DTI daw dahil wala ng permit ang nagtitinda (Ang tinda nila at palamig, newspaper at konti candy).
Tanong:
1. May karapatan po ba ang judge ng barangay na paalisin ang nagtitinda sa private right of way?
2. Pwede po bang mapabalik ang tindahan kung ang lahat ng residente ay pipirma sa papel upang mapabalik ang nagtitinda kahit ang mismo nagreklamo ay hindi na pumirma?
3. Maari po bang ipatanggal ang bubong sa mismo right of way? dahil ito ay hindi isinangguni sa mga nakakarami na maglalagay sila ng bubong sa harap ng kanila ng bahay.
1 Answer from Attorneys
Napaalis dahil wala siyang permit. Pero pwede siyang magtinda doon dahil private property naman ito at kung may pahintulot ng mayari.Subalit kinakailangan niya kumuha ng kaukulang permit sa munisipyo.