Legal Question in Appeals and Writs in Philippines

Hi sir/maam,

Good afternoon po,sana po matulungan nyo kami ng mga kapatid ko,dahil wala na po kami magulang,at ang kapatid ko pong lalaki ay kasalukuyang nakakulong sa Bicutan sa kasong Theft?? nagnakaw po kasi sya ng Tanso?na halagang 600 pesos lang po,yung complainant po ay parang hinde na interesado? pero minsan daw po umaatend sa hearing,mag iisang taon na po ang kapatid ko sa kulungan sa bicutan,20 thousand po ang hinihinging piyansa?tama po ba yun?di po ba masyado malaki ang halagang 20k?ang isa pa pong problema ay,sabi ng kuya ko,na ililipat na daw sya ng kulungan,sa MUNTI? dahil wala naman daw po nag aasikaso sa kaso nya,dahil sa totoo lang po,sa bawat hearing,hinde po nakakapunta ang mga ate ko,at nasa Cebu naman po ako nakatira ngayun,nagbabakasakali na rin po ako na humingi ng payo sa inyo,kahit malayo po ako,i'll try my best na magawan ng paraan para makalaya ang kuya ko,sana po masagot nyo ang akin katanungan sa lalong madaling panahon! ano po ang dapat naming gawin?

Maraming salamat po!


Asked on 11/11/12, 11:17 pm

1 Answer from Attorneys

VOLTAIRE T. DUANO VOLTAIRE T. DUANO LAW OFFICE

Alamin mo ang stado ng kaso sa pamamagitan ng pagpunta sa korte kung saan nakabinbin ang kaso ng kapatid mo. Karaniwan ay binibigyan ng libren abogado ang isang akusado kung wala itong kakayahang kumuha ng abogado at ito ay ang PUBLIC ATTORNEY'S OFFICE (PAO). Malalaman mo din sa korte kung ano na ang nagyari sa kaso at bakit tumagal ng ganon. Pagkatapos ay kausapin mo ang PAO lawyer na nakaasign sa kaso ng kapatid mo ng malaman mo kung ano talaga ang totoo mahirap kasi magbase kung walang record na nakikita.Yan ang pwede mong gawin ng malinawan ka kung ano talaga ang kaso at ano ang nagyari sa kapatid mo.

Read more
Answered on 11/14/12, 2:29 am


Related Questions & Answers

More Appeals and Writs questions and answers in Philippines