Legal Question in Civil Rights Law in Philippines

Gud am po! hingi lng po ako ng advice kung ano po ang mga karapatan ko sa tatay ko, Namatay po ag father ko noong july 20, 2012.Ulila n rin po ako sa ina, namana nya po sa kanyang mga magulang ang aming tinitirahan, sa ngaun may mga kapatid po sya n pilit kmi pinapaalis at pipalilipat sa lupa na nabili dw nila (lupa pa lng po) nagpirmahan daw po sila magkakapatid tungkol sa pagpapalipat sa amin sa lupa n nabili na wla pang nakatayong bahay, samantalang d2 sa tinitirahan namin ay bahay na po. Ano po b ang magiging karapatan ko para hinde ako mapaalis sa bahay ng ama ko.


Asked on 10/16/12, 10:53 pm

1 Answer from Attorneys

VOLTAIRE T. DUANO VOLTAIRE T. DUANO LAW OFFICE

Hindi malinaw kung ano ang ibig mo sabihin ng namana sa magulang ng nanay mo ang bahay na tinitirhan mo. Ito ba ay parte niya sa mga pagaari na minana ng magkakapatid dahil ang bawat isa ay may mga parte na minana na. Mangyayari lamang ito kung nagkaroon ng extra-judicial settlement at ang nasabing bahay ay napunta sa nanay mo bilang kanyang parte sa mga minana sa magulang niya. Kung wala naman nangyari nahatiian ang nasabing property ay pagaari ng lahat ng magkakapatid. At dahil sumakabilang buhay na ang nanay mo kayong magkakapatid ang magmamana ng kanyang parte. Ang tawag dito ay by right of representation. Huwag kayong pumayag sa sinasabi ng mga kapatid na nanay mo sapagkat may equal rights din kayo sa share ng nanay ninyo sa bahay. Kung magpilit sila ay ipabarangay ninyo.

Read more
Answered on 10/19/12, 10:06 am


Related Questions & Answers

More Civil Rights Law questions and answers in Philippines