Legal Question in Civil Rights Law in Philippines

Hi po! Ask ko lang po kung kahit papano, ano ang pwede kong ireklamo kapag hindi po sumunod sa pinirmahang kontrata? Nagkapirmahan po kasi na hanggang August katapusan, dapat mabayaran na ang utang. Pero wala pa pong August, lagi na kami sinisingil. Madalas pa na minumura kami sa text, and sinasabing wala kaming kwentang tao. Kahit na may kontrata o kasunduan kami, wala daw siyang pakialam, dapat daw mabayaran na namin yun kung hindi ay magfifile siya ng case sa amin.

Ano po kaya ang pwede namin ireklamo?

-Sa pagmumura niya po sa amin, alam ko po hindi pa yun pwedeng "libel" since wala naman pong eskandalong nangyari, pero minsan po nakaka-sama na ng loob kahit mahinahon kaming nakikiusap.

-Sa pinirmahang kontrata, hindi po ba panggigipit iyon? Wala daw siyang pakialam sa kontrata. Dapat daw po August 1 mabigay na namin lahat ng kulang namin sakanya.

Salamat po.


Asked on 7/28/12, 8:12 pm

1 Answer from Attorneys

VOLTAIRE T. DUANO VOLTAIRE T. DUANO LAW OFFICE

IPABARANGAY MO SIYA

Read more
Answered on 7/29/12, 7:17 am


Related Questions & Answers

More Civil Rights Law questions and answers in Philippines