Legal Question in Civil Rights Law in Philippines
Hello po! Meron lang po akong gustong iconsult tungkol sa kaso ng friend ko. Nagbebenta po kasi siya ng gadgets, legit po siya. madami narin po siyang clients nationwide and nagkaroon narin po siya ng transactions abroad. Meron pong isang client from GenSan, bumili po ng Iphone. Nagpadala po ng pera. Kasi yung gusto niya po, inorder na para sakanya. Ang naging problema po, nag-iba yung gusto niyang bilhin, at ang problema, out of stock na po yung item. Ang ginawa po nung client, pinarefund nalang niya yung pera. 1 month po inabot nung pagrerefund since yung pera po pina-ikot na sa mga gadgets. Alam naman po yung ng client. Noong kumpleto na po yung pera, hindi na po makontak nung friend ko yung client. Lahat po ng number na ginamit dati nung client, tinext po and tinawagan din niya.
Ang naging problema po, nagpalit po ata ng number yung client. Halos 4 months po yung nakalipas hindi pa po nababalik yung pera dahil hindi naman po mapadala ng friend ko. Hanggang sa nagdecide po siya na ipa-ikot nalang niya ulit yung pera sa negosyo. Alam naman po ng client lahat ng info sakanya. Kahit address, pictures, school and mga important details po sakanya para mapatunayan pong hindi siya scammer. Lumipat po ng bahay yung friend ko nun. May this year po, nakareceive po siya ng tawag sa tita niya na sa dating apartment niya, may pumunta daw pong police and sundalo. Sinabi naman po ng may-ari ng apartment na wala na talaga siya dun and August pa siya umalis.
Meron pong nakaka-kilala sakanya doon at kinontak po siya kagad. Ang sabi daw po nung kumontak sakanya. Hinanap nga daw po siya and may dalang picture niya, may kaso daw po siyang "estafa".
Ang ginawa po ng friend ko, kinontak po niya ulit lahat ng number nung client. Binigay po nung client yung number nung tito daw po niya-yung colonel po. Which is nung nalaman po namin, tito po nung boyfriend niya. Nakipag-usap naman po ng maayos yung colonel sakanya, ang sabi nga daw po sakanya, kung hindi po sila nagkaroon ng kontak, pupunta din daw po yung mga police tska asset nung sundalo sa school niya. Siyempre po, studyante yung friend ko, sobrang malaking issue po yung mangyayari.
Ang ginawa po niya, nakipag-usap po siya sa sundalo since yun po yung kontak nung client. Parang in behalf po niya. Nag-usap at nagkapirmahan po sila sa Pasay City Hall na pwedeng hulug-hulogan or isang bagsakan nalang ibigay yung pera hanggang August. Since student nga po siya and yung pera naka-ikot na po.
Nung June po, nagpadala yung friend ko ng 5 thousand para kahit papano po lumiit na yung babayaran niya. Nagkaproblema lang po siya kaya hindi na nasundan. Pero since ang usapan naman po ay hanggang August kaya okay lang. Ang nangyari po, kinokontak siya nung client, kinukuha po sakanya yung pera. Kung hindi daw po niya mapapadala ng July 31, itutuloy daw po yung kaso. Before pa po nung text na yun. madami na pong text yung client may mga "foul and bad words" pa po. Which is hindi na po okay.
Gusto ko lang po malaman na pwede po ba yun? Kahit nagkapirmahan na hanggang katapusan ng August pwede niya parin ituloy yung kaso? Hindi po ba kahit papano panggigipit na yun sakanya since may usapan nga po and alam naman po nung client na medyo may problema lang and ipapadala naman po bago matapos ang August.
Nakaka-awa lang po kasi may mga text na minumura siya, and parang sinasabi po sakanya na "tanga" siyang tao. Tapos wala daw po siyang pakialam sa pirmahan basta itutuloy niya yung case paghindi na ibigay yung pera sakanya. Meron po ba kami kahit papano na ireklamo sakanya.
Salamat po
1 Answer from Attorneys
Isumbong mo sa pinakamalapit na pulis station at dun mo ito ikwento para magawan ka ng complaint na ipafile sa fiskalya.
Related Questions & Answers
-
Pwede po ba maipakulong ang isang tao na may pera na inutang sayo? Asked 7/20/12, 4:58 am in Philippines Civil Rights Law
-
Is the deed of relinquishment still enforceable if the principal is already dead? Asked 7/16/12, 7:30 am in Philippines Civil Rights Law
-
I am at age 58. I live in a Mountain Barangay. Considering the perils from the... Asked 6/15/12, 6:21 pm in Philippines Civil Rights Law
-
I'm already 27 years old and my brother already 23 years old, my father left us when... Asked 6/12/12, 11:15 pm in Philippines Civil Rights Law