Legal Question in Criminal Law in Philippines
Nagtrabaho sa japan ang tatay ko nung apat na taon palang po ako. May naging babae po sya dun at nagkaanak sya dun ng dalawa pero nagkahiwalay din po sila nung babae nya at iniuwi ng babae nya ang mga naging anak nila sa pilipinas at mahabang taon na hindi nagpakita sa ama ko. Ganun din po ang ginawa ng ama ko samin ng kapatid ko halos 15 years po syang hindi nagpakita samin ng kapatid at nanay ko po kung saan sya ay kasal sa aking nanay. Makaraan po ang 15 years muli po syang bumalik at may kasama namang pong ibang pamilya at makaraan ng ilang taon na pagbalik ng tatay namin dito sa pilipinas ay ang muling pagpapakita ng dalawa ko pang kapatid sa ama sa nauna nyang naging babae. Halos lima po kaming magkakapatid sa ama dalawa kami ng kapatid ko sa tunay nyang asawa, dalawa sa nauna nyang babae at isa sa kasalukuyan nyang kinakasama. Gusto ko po sanang magsampa ng kaso laban sa mga naging babae ng ama ko at maging narin sa ama ko. At gusto ko rin pong humungi ng buwanang sustento sa kanya at kabayaran sa lahat ng pinsala at pang abandona nya samin ng kapatid ko sa halos 15 years na pag abandona nya samin ng kapatid ko...ano po bang dapat kong gawin...at posible po bang makakuha kami ng kapatid ko ng donyos pwerwisyo sa mga ginawa nla samin..
1 Answer from Attorneys
Mahabang proseso yang gagawin mo. Maari mo siyang kasuhan ng abandonment . Kung may ibinabahay ang tatay mo na ibang babae dito sa Pilipinas maari mo isyang kasuhan at ang kanyang kalaguyo ng concibinage/adultery kung hindi sila nagpakasal.Pero kung nagpakasal ulit ang tatay mo kahit hindi pa napapawalang bisa ang kasal ng nanay ninyo maari mo siyang sampahan ng bigamy. Ang patuloy niyang hindi pagbigay ng supporta sa inyo at marital infidelity sa nanay nyo ay maituturing na economic at psychological violence. At ito ay pinarurusahan sa ilalim ng RA 9262. Mapipilitan siyang magsupporta sa inyo kung kakasuhan mo siya ng mga nasabing krimen.
Related Questions & Answers
-
May asawa n ang tatay ko pero kasal po sya sa nanay ko at kasal din ang tatay ko... Asked 6/13/12, 11:05 pm in Philippines Criminal Law
-
My father was already married to my mother, after more than 15 years he was... Asked 6/12/12, 11:04 pm in Philippines Criminal Law
-
Magkano po ba ang fee ng isang attorney hanggang matapos ang kaso? sa demandahang... Asked 6/09/12, 9:10 pm in Philippines Criminal Law
-
Good day po! Nakaroon po ng away ang aking nanay at kapitbahay na nauwi sa... Asked 6/09/12, 7:01 am in Philippines Criminal Law
-
Is php 60,000 considered as stafa or sum of money? Asked 6/08/12, 6:30 pm in Philippines Criminal Law