Legal Question in Family Law in Philippines

Ako ang pinakamasayang ama ng dumating sa buhay naming mag asawa ang aming unang anak, dahil sa kami ay parehong nag-tatrabaho naisipan namin na ihabilin muna pansamantala and aming anak sa mga magulang ng misis ko. magtatatlong taon na po, hangang ngayon hindi ko pa rin makasama ang anak ko dahil ayaw na ipadala ng biyenan ko. kung maiuwi ko man ang bata, siguradong pagpasok ko sa trabaho wala na akong dadatnang anak kasi inihatid na naman ng misis ko sa biyenan ko. hindi ko na nga kasama ang anak ko, weekends at holidays deprived pa rin ako. last sunday nagpunta ako sa bahay ng biyenan ko, gusto ko sana isama na ang mag-ina ko sa bahay namin. ayaw na nila sumama, dahil mainit daw at malamok tapos madami pa raw ipis. kung yan po ay problema sa paningin nila, na gagawan naman po yan ng solusyon,sa tingin ko po ito ay alibi na lang,malinis naman po ang bahay namin at hindi naman squatter area ang location ng bahay. eh, ang bahay nga nila pagpasok mo pa lang sa gate hangang looban amoy aso na sa dami ng alaga nila at may ibon pa.medyo nasaktan po ako doon, noong una ayaw padala dahil nawalan ako ng trabaho,noong nagkaroon na ako ng trabaho ayaw pa rin ipadala kasi wala magbabantay sa bata dahil pareho kaming mag-asawa pumapasok, ngayong nakakuha na ng magbabantay at andito naman ang nanay ko para mag-asikaso sa bata ayaw pa rin ipadala, pweded naman daw ako dumalaw at hindi naman daw nila pinagdadamot and bata, sa loob po ng isang linggo 6 na araw ang pasok ko at linggo lang ang pahinga,ang asawa ko doon na lang nag-stay kasi nasasabik sya na makasama ang anak namin.kaya siguro nagawa ng misis ko yun na hindi na baling magkalayo kami wag lang mapahiwalay sa anak namin. tama po ba yun na dumalaw na lang ako kung gusto ko makita ang anak namin, eh hindi naman kami nag-hiwalay ng misis ko? bakit tuwing gusto ko iuwi ang anak ko ayaw iapadala ng biyenan ko, pati ang misis ko ganon na rin. nasasaktan po ako sa pangyaring ito, dati hindi kami nagtatalo ng misis ko, pro lately madalas na kami mag-talo dahil sa mga gawain ng biyenan ko at sa pagdadamot sa akin na makapiling ko ang anak namin. "hindi naman daw pinagdadamot, pwede nman daw dalawin wag lang iuwi sa bahay namin" ilang birthday, pasko at new year hindi ko nakapiling ang anak ko, lalo na sa weekends at holidays wala rin. ako po ay umaasa sa tulong ninyo, pagod na pagod na ako sa halos mag-tatlong taon na ako nakikiusap na makasama ko ang anak ko, sa tuwing ipipilit ko ito yan lagi ang sagot sa akin ng biyenan ko plus may bgo alibi pa, lalo na ngayon nagsasalita na ang misis ko na papabarangay daw nya ako pagdinala ko ang bata, mas may karapatan daw sya dahil sya ang ina at mas papanigan sya ng korte dahil mas malaki ang kinikita nya sa akin. naimpluwensyahan na ata ang misis ko kaya ganon na lang sya kung mag-salita. wala naman kaming alitan ng misis ko, nagulo lang ang samahan namin noong makialam na ang biyenan ko sa custody pag-dating sa bata. kung ang iba nga nagsisikap at nagtitiis pr sa pamilya nila, magkasama lang at gumagawa ng paraan para wag magkawatak-watak ang pamilya. kami naman biyenan ang sisira sa magandang samahan ang puno ng pangarap na pamilya. sana po ako ay inyong matulongan,lahat po ng pakiusap ay nagawa ko na, hindi na po ako makapagtrabaho ng maayos kakaisip sa anak ko, sabik na sabik na po ako sa mag-ina ko. aminado po ako na wala akong laban pagdating sa korte dahil isang hamak na driver-mechanic lang ako at wala iuubos na pera. ang gusto ko lang po ay makapiling ang anak ko at ano po ba talaga at hangang saan ba ang karapatan ko bilang ama? jer 09275786355


Asked on 7/30/11, 4:50 pm

1 Answer from Attorneys

Jon Peter Ferrer Ferrer & Associates Law Offices (Ferrer Law)

Dear Jer,

Bilang ama, may karapatan ka sa iyong anak. Kayong mag-asawa ang may pangunahing responsibilidad at custody sa bata. Yung sinasabi ng asawa mo na sya ang mas may karapatan sa bata ay hindi totoo dahil hindi naman kayo hiwalay.

Ayon sa batas, kapag ang magulang ay hiwalay at ang bata ay wala pang 7 years old, mas makakabuti sa bata ang manatili sa nanay hanggang siya ay dumating ng 7 years old at pwede nang mamili kung sa nanay o tatay nya gustong sumama.

Good luck at sana nakatulong sa iyong suliranin ang sagot ko.

Read more
Answered on 7/31/11, 9:56 pm


Related Questions & Answers

More Family Law, Divorce, Child Custody and Adoption questions and answers in Philippines