Legal Question in Family Law in Philippines
Ano po ba ang pwede kong ikaso sa asawa ko na lagi na lang ginugulo ang pag aaral ng mga anak ko. Nung una ini-enrol nya yung panganay sa pateros kung saan nila nakatira, hiwalay kami ng tirahan kasi dun nakabase yung computer shop na negosyo nya. Di naman kami legally separated at kapag maganda naman ang mood nya nakakapag usap naman kami. Nung bago matapos ang 1st grading period dinala nya yung panganay ko sa amin at di man lang nakipag usap 1 week na di nakapasok ang bata kaya ang ginawa ko tinatransfer ko sa cavite bago matapos yung yung 2nd grading period sinundo nya sa school ng walang pasabi kaya pinabarangay ko yun pala naipasok nilang muli sa dating school. Nakausap ko mismo yung teacher at nakumpirma ko na pumapasok na nga ulit ang bata, kaya hinayaan ko na lamang dun ulit, pero nagkaroon kami ng kasunduan sa barangay na patapusin nya na yung bata, at nag request sya na kung pwede nyang hiramin yung 2 anak nya sa akin tatlo po kasi silang lahat. Nitong Feb 2, pinahiram ko yung anak ko kasi 3 days silang walang pasok, pinag-usapan namin na ibabalik nya ng Feb 4, subalit naging mahirap ang lahat ng bagay sa text at sa telepono ay parang wala na syang balak ibigay ang bata, na nag aaral pa sa puder ko. Nahihirapan na ako sa gingawa nya at naawa na rin ako sa anak ko. Pati yung bunso kukunin nya rin daw. Ang reklamo nya kasi hindi ko raw nasusubaybayan ang mga anak ko, nagta-trabaho ho kasi ako at madalas po akong mag-overtime dahil sa dami ng trabaho at kailangan ko rin po para madagdagan ang sahod ko, hindi naman sya regular na nagbibigay ng suporta madalas walang wala ho talaga. Pina-barangay ko ulit sya nitong Feb 11 at ang hearing namin ay bukas Feb 17, gusto ko na po kasing maging legal ang lahat. Yung 2 dalawang bata parang gusto ng sumama sa kanya, wala naman hong problema sa akin kaya lang dahil sadyang magulo ang utak ng asawa ko baka sa kalagitnaan ng pag aaral ay guluhin ako sa trabaho. Ano ang pwede kong ikaso sa kanya para maiwasan na ganitong gulo. Pati sa school ng mga bata nagsasalita sya ng kung anu-ano laban sa akin.
1 Answer from Attorneys
file the civil aspect of RA 9262 by asking a temporary protection order later permanent protection order.