Legal Question in Family Law in Philippines

Gudpm! Gusto ko po sanang humingi sa inyo ng advise about kasi po ang asawa ko po ay may naunang asawa pero hindi po sila totally nagsama kaya lang po sila nagpakasal dahil po sa Saudi Arabia bawal po kasing magkita at mag usap ang babae at lalaki para po magkaroon sila ng communication nagpakasal po sila dito sa Pilipinas pero hindi po sila nagsama bilang mag asawa pagkatapos ng kasal at wala rin pong nangyari sa kanila matapos ang kasal na naganap.kaya nun bumalik po sila ng Saudi un babae po sa Riyadh at ang asawa ko naman ay sa Hofuf kaya ang tanging communication lamang nila ay sa celphone kaya lang bigla pong nagbago daw ng pakikitungo sa kanya un babae kaya nun nagkaroon siya ng pagkakataon pinuntahan niya po un babae sa Riyadh upang malaman ang estado nila ngunit hindi po naging maganda at nauwi po sa hiwalayan ang kanilang pag uusap simula po noon nawala na po un communication nila at hindi na rin po nagkita silang dalawa..Kaya po noon umuwi ang asawa ko nakipagbalikan po siya sa akin kasi po bago siya nagpunta ng saudi nun 2001 kami po ang magkasintahan nagkahiwalay po kami dahil po nagkaroon po ng personal problem. Ang gusto lang po namin malaman kung paano mapapawalang bisa ang unang kasal niya.Sana po mabigyan ninyo po ako ng advise para alam ko po ang dapat kong gawin.Marami pong Salamat!Hihintayin ko po ang inyong kasagutan.


Asked on 9/06/12, 12:27 am

1 Answer from Attorneys

VOLTAIRE T. DUANO VOLTAIRE T. DUANO LAW OFFICE

Maaari kayong magfile ng petition for declaration of nullity of marriage. Ang ground ay psychological incapacity ng asawa mo at nung dati niyang asawa. Para mapatunayan ito ay kailangan magsubmit sa psychological evaluation ang asawa mo. kailangan kumuha kayo ng abogado na magrerepresent sa kanya para mapawalang bisa ang nauna niyang kasal.

Read more
Answered on 9/08/12, 6:57 am


Related Questions & Answers

More Family Law, Divorce, Child Custody and Adoption questions and answers in Philippines