Legal Question in Family Law in Philippines
Hi.. Married po ako sa isang american citizen.ung case ko po ay Napakakumplikado.hnd magbibigay ng sustento ung asawa ko para sa anak namin Hanggat hndi ko binibigay ung annulment sa kanya. Hnd ko maireklamo ung asawa ko dahil nsa Singapore sya nagtatrabaho at andito ako sa pinas. Ung anak po namin ay american citizen.ngaun ayaw akong tulungan ng asawa ko para sa dual citizenship ng anak namin para hnd ko na Kailangan magbayad ng penalty pag naoverstaying sya dito sa pinas..so, ngaun po balak kong mag abroad ulit para sa kinabukasan ng anak ko kaya lang po ang ikinatatakot ko baka kunin ng asawa ko ung anak namin at ilayo sa akin kong aalis ako ng pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa. Please help me po kong ano ang Dapat kong gawin! Maraming Salamat po sa inyo
1 Answer from Attorneys
Pumunta ka sa Bureau of Immigration para maayos ang pagkapilipino ng anak mo. Siya ay Pilipino sapagkat ang isa sa magulang niya ay Pilipino. Dapat noong ipin anganak siya sa abroad ay pinarehistro mo din ang kanyang kapanganakan sa NSO sa pamamagitan ng Philippine consulate kung saan siya pinanganak na bansa.para naisyuhan din siya ng Philippine passport. Kung ang anak mo ay below 7 years old hindi pwedeng kunin sa iyo ito ng asawa mo. Mahihirapan ka magsampa ng child support case kasi hindi naman residente dito sa Pilipinas ang asawa mo. Pero kung temporary out lang siya at residente naman dito pwede kang magsampa ng child support.