Legal Question in Family Law in Philippines
Hello po, change of Surname.
This is about my eldest child. Since nanganak po ako na hindi pa kasal sa tatay nila 1998, dapat po kasi ikakasal na kami, hindi na kami inabot kasi august ang kasal sa huwes, July nanganak na po ako. Ako ang nakapirma sa birth certificate ng bata, dala niya po ang pangalan ng pagkadalaga ko at unknown po yung father sa live birth niya. Pero after po ng kasal namin inayos napo ng tatay niya yung BC niya, kaya nadala na niya yung pangalan ng father niya sa kanya local BC. May join affidavit napo sa lcr dito sa city namin. kailan ko lang po nalaman na sa kanyang NSO akin pa rin naka apelyido ang bata at unknown pa rin ang father niya, mag hi-high school na po sya, ano po bang process ang kailangan para maayos ko ang birth certificate? may marriage certificate po ako at birth certificate ng bata na galing mismo ng nso, kailangan ko pa rin po ba ng lawyer?. Wala po akong problema sa iba kong mga anak kase married na ako nung ipinanganak ko sila, ang nakaka-awa nito, kasing byenan ko sinabihan ang panganay ko na hindi raw sya totoong anak kase apelyido ko ang nakasaad sa birth cert. gusto kong i-correct ito para mabawasan ang hinanakit sa loob ng panganay ko.
Thanks po ulit.
1 Answer from Attorneys
Kung inayos na dati ng asawa mo ang birth certificate bumalik ulit siya sa local civil registrar at ipagalam na hindi nila napadala sa NSO ang naayos na birth certificate na kung saan ay naglitimated na angbata at nakalagay na ang buong detalye. Marahil ay hindi lang naforward ng local civil registrar ang dokumento sa NSO kung kaya't ang luma parin ang andun sa NSO.Maayos din ito kung mapadala na sa NSO ang naayos na dokumento namagpapatunay ng legitimation ng bata.