Legal Question in Personal Injury in Philippines
Hi po. Tanong ko lang po. Yung tito ko po kasi seaman, naaksidente po siya last november then pinauwi na po siya. dito sa pilipinas for further medical assistance. Ask ko lang po since accident while duty. Diba po dapat may ibibigay pa ang kumpanya niya aside sa medical issurance and pag magdeclare siya ng total disability. Ang nangyari po kasi sknya, ang apektado po is yung brain niya. Able body parin naman po siya pero hndi na functional tulad ng dati. Hndi na po niya kaya maglakad ng matagal ng magisa, yung balance po niya medyo hndi narin po okay at deformed na. po yung face niya. Ang nakasaad po kasi sa kontrata ng mga seaman, ang issurance depende sa accident na nangyari, sa kasamaang palad. hndi daw po kasama yung sa ulo. Gusto lang po sana namin ay may makuha sana kahit papano, dahil unang una nasa barko siya noon at on duty siya nung nangyari yung aksidente. At common sense din po siguro na mas malaki ang damage sa isang tao pagbrain na mismo yung naapektuhan. Dahil hndi rin naman po magfufunction ang katawan pagapektado po diba ang ulo. Ngayon po, kukunin sana namin yung natitira sa sweldo niya kasama narin sana yung insurance na mkkha sa accident. Pagdating po namin doon ay pinapapirma kami ng "quit claim". Na ibig sabihin na pagpinirmahan namin, wala na kaming makukuha sa kumpanya.
Tanong ko lang po may laban po ba kami kung sakali. At ano po ang pwede pa namin gawin. Salamat po sana matulungan niyo po kami. God bless po and merry christmas
1 Answer from Attorneys
yes, may makukuha kayo.Pero kung ganyan ang ginawa ng kumpanya ay dapat magfile kayo ng kaso laban sa kanila. Kung gusto ninyo at kontakin ninyo ako at eto ang website ko www.duano.com.ph at ipapaliwanag ko lahat ng pwede ninyong habulin sa kumpanya.