Legal Question in Real Estate Law in Philippines
atty duano, wife po ito ni gideon arroyo ur classmate,my iconsult lang po me regarding sa lupa na minana ng aswa ko at ng iba pa nyng kapatid,400 sq.mtrs po ung lupa ngayun poeqully divided into 5 children. ung 200 sq. mter ay nkapangalan sa bayaw ng asaw, ngayon ay inaangkin na nia ung 200 sq mtr. pero ang ganang kaparte lang nia dun 80 sq.mtr. ngayon ngbabayad cia sa nha snosolo nia bayrin...nagbarangayan na pumirma cia ng amicable settlement na 80 sq. mtr lng ang sakanya, ito na ngayon ang problem dna pumapayag ang bcda na re subdivide ang lote un po advise nila nha, ngyon ay ayw na po nia magpasukat ng lote,plano po nming mgpasukat ng lote,kmi na ang magshoulder ng expenses nia sa pagpasukat para lng masukatan na kc d nga po cia pumpayag magpasukt, kc mlaki po ang inextend nia kaya malaki ung mattangal sa kanya, pwde po ba kming magpasukat ng d nia alam?
1 Answer from Attorneys
Ang gawin ninyo ay magpasama kayo sa barangay opisyal para maasistehan kayo sa pagsukat sapagkat alam naman nila ang istorya ng lupa. Yung lupa na ipinangalan sa bayaw ng asawa mo ay hinahawakan lamang niya ito as trustee sapagkat karaniwan ang titulo ay ipinapangalan sa ibang tao ng tootoong may ari samantalang ang intensiyon ay ito o ang parte nito ay hinahawakan lamang niya bilang isang trustee. Ang tawag dito ay implied trust at kung may kasunduan naman ay express trust. Malamang ito ay implied trust depende sa sirkumstansya kung bakit ipinangalan sa bayaw ng asawa mo ito. Kung talagang ayaw niyang magpasukat ay wala na kayong magagawa kundi dumulog sa korte at magsampa ng kaso laban sa kanya. Maari ninyo din ipatupad ang kasunduan sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso sa korte para maexectue the kasunduan maliban na lamang kung nirepudaite ang kasunduan ng nasabing bayaw.