Legal Question in Real Estate Law in Philippines
Good day! Gusto ko lang po magseek ng help regarding sa land property. Dati po kasi, yung mga tao sa village namin ay nagbabayad para sa lupa nila para makakuha ng land title. Pero nung nalaman namin na iisa lang po yung titulo ng lupa sa buong village, tumigil narin po yung iba magbayad. After 30 years, nakarecieve po kami ng notice about sa lupa at kung gaano na po kamahal yung mga dapat bayaran. May iilan naman pong nakabayad na, meron din pong hindi talaga kaya. May nakapagsabi po sa amin tungkol sa Torrens System Real Property Act 1858. Gusto ko lang po malaman, dahil meron pong nagooffer sa amin nito. Para matulungan po kami, pinagbabayad rin po kami ng Php 80,000 kada bahay. Sana po matulungan ninyo kami. Salamat po.
1 Answer from Attorneys
Maliban sa ang kausap ninyo ay ang mayari talaga ng lupang iyong binabanggit ay huwag kang maniwala sa kanila sapagkat sila ay manloloko. Ang pagpapatitilo ay magagawa lamang kung may bentahan ng naganap.At dahil ito ay nasa mother title pa kailangan pang isubdivide ito upang matukoy ang bawat parte. Hindi mo din alam kung yang mother title na yan ay talagan totoo at yung mga tao na lumalapit sa iyo ay siyang mga may ari o mga representante ng mga may ari nito. Kunin m o ang number ng title at kumuha ka ng certified copy sa Registrar of Deeds sa City Hall na nakakasakop. Ipagtanong mo sa Land Registration Authority kung totoo ang titulo na nabanggit. LET THE BUYER BEWARE yan ang kasabihan sa batas kung ikaw ay nakikipagdeal sa mga tao na hindi naman talaga ang may ari..