Legal Question in Real Estate Law in Philippines
Magandang araw po ulit. Ang lupa po ng aming village ay under na po ng government "pag-ibig". Yung iba po kasing lupa sa community namin, yung mga may-ari nun, ay nagseek pa po ng alternative which is yung "Torrens Act" nga po dahil hindi nga po kaya nung iba na magbayad sa Pag-ibig. Kaya po iniingganyo nila kami na sumama sakanila. Kami naman po ay nagbabayad na sa pag-ibig. Yung iba lang po kasing mga kapitbahay namin, ay may mga "titulo na daw po ng lupa". Kaya po medyo nakapagtataka dahil nga po under parin kami ng Mother Title. Bale po yung sinasabi nilang Torrens Act ay hindi po applicable sa amin dahil nga po under na kami ng Pag-ibig. At may posibilidad na baka lokohin lang po nila kami. Tama po ba? Maraming Salamat po.
1 Answer from Attorneys
Hindi malinaw kung sino ang may ari ng lupa kung ang pamahalaan ba o isang pribadong indibidual. Kung ito ay pagaari ng gobyerno at inaward na sa inyo at ipinasok sa pag-ibig dapat nalipat na ang titulo niyan sa inyo. Kasi lumalabas na isasangla yang lupa bilang seguridad sa utang ninyo sa pag-ibig. Alamin mo kung dumaan ito sa NHA at tsaka ipinasok sa pag-ibig. Wala na kayong kakausapin dito kundi ang pag-ibig lang kung kayat dapat pumunta kayo dun sa pag-ibig upang alamin ang transaction na inyong pinasok at hindi ko na kayo masasagot sapagkat hindi ko alam ang tunay na mga transaction na pinasok niniyo patungkol sa lupa na yan.